
 Sumakay ako ng Ikot kaninang hapon papuntang KNL. Patungo kasi ako sa Claret para magturo sa club ko (Journalism CLub). Nasa bandang NCPAG na yung jeep ng nakalanghap ako ng nakasusulasok na amoy... Yosi... At iyon nga. Akala ko ba merong smoking ban? Ewan ko ba kung bakit napaka-inconsiderate ng mga nagyoyosi. Kung sila lang sana nakakalanghap ng mabaho nilang usok ok lang eh. Pero, ayoko ng may nagyoyosi sa paligid ko, kasi nga asthmatic ako. Kaya iyon, pinakiusapan ko siya at... Tuloy pa rin siya sa pagbuga.  Ewan ko ba kung epeko ng nikotina ang pagkabingi niya o sadyang tanga lang siya o nagkukunwari lang. Basta ang naisip ko: Kukuhanan kita ng litrato at ibablog kita mamaya, driver ng ikot jeep na may plate number NVL 496. HUWAG PAMARISAN! Ikumusta mo na lang ako kay Hitler sa impyerno kapag kinain na ng cancer ang lamang loob mo. PS: kung nagtataka kayo kung paano ko siya nakuhanan ng litrato, 5700 ang dala kong phone, kaya kaya ang patagilid ng hindi halata.
|